Ang MITOLOHIYA ay isang anyong panitikan kung saan karaniwang tumatalakay sa mga diyos o diyosa at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Kadalasang ang mga
normal na karakter ay naniniwala o sumasamba sa mga diyos at
diyosa na kanilang pinaniniwalaang gumawa ng mga bagay-bagay sa kanilang kapaligiran. Ang MITOLOHIYA rin
ay koleksyon ng iba’t-ibang mga akda ng mga tao na nagnanais pa na pag-aralan ng mabuti o
alamin ang iba’t-ibang kwento na mayroon sa isang lugar o sa isang komunidad.
Apat (4) na Elemento ng Mitolohiya
1. TAUHAN
Mga diyos at diyosa na may taglay ng kakaibang kapangyarihan.
2. TAGPUAN
May kaugnayan ang tagpuan sa kultura ng kinabibilangan at sinaunang panahon.
3. BANGHAY
a. Maraming kapanapanabik na aksiyon at
tunggalian.
b. Maaring tumatalakay sa pagkalikha ng mundo at natural na pangyayari.
c. Nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas.
d. Ipinapakita ang ugnayan ng mga tao at ng mga diyos at diyosa.
e. Tumatalakay sa pagkalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksyon nagaganap sa araw, buwan at daidig.
4. TEMA
a. Magpaliwag sa natural na pangyayari.
b. Pinagmulan ng buhay sa daigdig.
c. Pag-uugali ng tao.
d. Mga paniniwala ng pang-relihiyon.
e. Katangian at kahinaan ng tauhan.
f. Mga aral sa buhay.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MITOLOHIYA
bilang:
Sining:
Ang mitolohiya ay
nakakatulong sa mga pintor, manlililok at arkitekto para sa ikagaganda at
ikauunlad ng kultura na kinapapalooban ng mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.
Lipunan:
Sa kuwentong mitolohiya ay
nagiging mapanaliksik ang mga tao para sa ikauunlad ng mga gawaing panlipunan.
Pananampalataya:
Sa pamamagitan ng kuwento ng mitolohiya
ay nabibigyang buhay at lalong umuunlad ang paniniwala ng panrelihiyon at
nagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.
Kabuhayan:
Dahil sa kaalaman ng tao tungkol sa mitolohiya ay
nagkakaroon tayo ng sapat na kakayahan at pagtitiwala sa sarili dahil sa magandang halimbawa na ipinakita ng mga diyos
at diyosa kaya’t ang tao ay nagkakaroon ng lakas ng loob sa pakikibaka sa hamonng buhay.
Samakatuwid.....
Mahalaga ang mitolohiya sapagkat nilikha ang mga ito upang maaliw ang mga tagapakinig
o tagapagbasa sa mga magagandang kwento, na mamangha sa mga hiwaga, na mapalawig ang kanilang imahinasyon
at matuto ng mabubuting aral mula dito. Na nakatutulong sa atin upang
makatulong sa pag-papaunlad ng ating pamayanan o bansa.
Ang bait ng gumawaaaaa nitoooo. ^_^
ReplyDeletectto po pala yung ibang detailss
ReplyDeleteNo Deposit Bonus Casinos 2021 - Win Real Money at US
ReplyDeleteWe list 10 best online 토토 사이트 코드 casinos with no https://vannienailor4166blog.blogspot.com/ deposit bonuses in the US. Find the best USA no wooricasinos.info deposit filmfileeurope.com bonus codes and get your free 토토 spins