Kahulugan ng Mitolohiya

     Ang MITOLOHIYA ay isang anyong panitikan kung saan karaniwang tumatalakay sa mga diyos o diyosa at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Kadalasang ang mga normal na karakter ay naniniwala o sumasamba sa mga diyos at diyosa na kanilang pinaniniwalaang gumawa ng mga bagay-bagay sa kanilang kapaligiran. Ang MITOLOHIYA rin ay koleksyon ng iba’t-ibang mga akda ng mga tao na nagnanais pa na pag-aralan ng mabuti o alamin ang iba’t-ibang kwento na mayroon sa isang lugar o sa isang komunidad.                          

                     Apat (4) na Elemento ng Mitolohiya 

1. TAUHAN
     Mga diyos at diyosa na may taglay ng kakaibang kapangyarihan.
2. TAGPUAN
     May kaugnayan ang tagpuan sa kultura ng kinabibilangan at sinaunang panahon.
3.  BANGHAY
          a.  Maraming kapanapanabik na aksiyon at tunggalian.
          b.  Maaring tumatalakay sa pagkalikha ng mundo at natural na pangyayari.
          c.  Nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas.
          d.  Ipinapakita ang ugnayan ng mga tao at ng mga diyos at diyosa.
          e.  Tumatalakay sa pagkalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksyon nagaganap sa araw, buwan at daidig.
4.   TEMA
          a.  Magpaliwag sa natural na pangyayari.
          b.  Pinagmulan ng buhay sa daigdig.
          c.  Pag-uugali ng tao.
          d.  Mga paniniwala ng pang-relihiyon.
          e.  Katangian at kahinaan ng tauhan.
          f.  Mga aral sa buhay.

                     

                               KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MITOLOHIYA
                 bilang:

Sining:
     Ang mitolohiya ay nakakatulong sa mga pintor, manlililok at arkitekto para sa ikagaganda at ikauunlad ng kultura na kinapapalooban ng mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.

Lipunan:
     Sa kuwentong mitolohiya ay nagiging mapanaliksik ang mga tao para sa ikauunlad ng mga gawaing panlipunan.

Pananampalataya:
      Sa pamamagitan ng kuwento ng mitolohiya ay nabibigyang buhay at lalong umuunlad ang paniniwala ng panrelihiyon at nagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.


Kabuhayan:
      Dahil sa kaalaman ng tao tungkol sa mitolohiya ay nagkakaroon tayo ng sapat na kakayahan at pagtitiwala sa sarili dahil sa magandang halimbawa na ipinakita ng mga diyos at diyosa kaya’t ang tao ay nagkakaroon ng lakas ng loob sa pakikibaka sa hamonng buhay.
 



Samakatuwid..... 
    Mahalaga ang mitolohiya sapagkat nilikha ang mga ito upang maaliw ang mga tagapakinig o tagapagbasa sa mga magagandang kwento, na mamangha sa mga  hiwaga, na mapalawig ang kanilang imahinasyon at matuto ng mabubuting aral mula dito. Na nakatutulong sa atin upang makatulong sa pag-papaunlad ng ating pamayanan o bansa.
         

    

Comments

  1. Ang bait ng gumawaaaaa nitoooo. ^_^

    ReplyDelete
  2. ctto po pala yung ibang detailss

    ReplyDelete
  3. No Deposit Bonus Casinos 2021 - Win Real Money at US
    We list 10 best online 토토 사이트 코드 casinos with no https://vannienailor4166blog.blogspot.com/ deposit bonuses in the US. Find the best USA no wooricasinos.info deposit filmfileeurope.com bonus codes and get your free 토토 spins

    ReplyDelete

Post a Comment